Naging mas produktibo kumpara sa inasahan ni Pangulong Ferdinad Marcos Jr., ang kaniyang kauna – unahang State Visit sa Indonesia.
Sa ginawang ulat pangulo bago tumulak patungong Singapore, sinabi nito na mayroong mga diskusyon ang natalakay na wala sa plano, at mayroong mga aktibidad ang nagawa kahit wala sa schedule.
Una dito iniulat ng presidente ang pagbubukas ni Indonesian President Joko Widodo sa usapin kaugnay sa Myanmar, pinag-usapan aniya nila kung ano ang dapat gawin ng ASEAN, kaugnay sa sitwasyon sa naturang bansa.
Binuksan din ng pangulo ang isyu sa kalakalan, partikular iyong suporta ng Indonesia sa enerhiya ng bansa.
Sabi kasi ng pangulo mayroong trade imbalance sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, kayat kailangan aniya na humanap ng paraan upang manbago ito.
Bandang ala-1:00 ng hapon nang dumating ang pangulong Marcos, kasama ang kaniyang deligasyon sa Singapore.
Ganap na alas-2:00 ng hapon nang buksan ang UCC Ho Bee Auditorium para sa mga Pinoy na dadalo sa meeting with the president.
Pasado alas-6:00 ng gabi nang dumating ang presidente para sa kaniyang talumpati.