-- Advertisements --

Binigyang linaw ngayon ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan nila ng paghiling ng adjourn proceedings sa kinakaharap nitong war on drugs sa International Criminal Court.

Ayon kay Nicholas Kaufman, ang lead counsel ni Duterte, na dumaranas ang 80-anyos na dating pangulo ng ‘cognitive impairment’ kaya hindi ito maaring dumalo sa pagdinig.

Maging ang kaniyang mga anak aniya ay hindi nakikilala ng dating pangulo at hindi rin nito maalala ang mga kaso na kinakaharap niya.

Dahil dito ay naniniwala sila na hindi mag-iimprove ang kalusugan ng dating pangulo kaya hiniling nila sa Pre-Trial Chamber na dapat ay i-adjourn na ang lahat ng mga legal proceedings sa kaso nito ng indefinitely.

Nagsumite na rin sila ng mga extensive medical information ng dating pangulo sa ICC.

Una na ring hiniling ng kampo ng dating pangulo na sana ay payagan na ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapauwi sa kaniya kapag naaprubahan na ang hirit nilang interim release.