-- Advertisements --

Kinondina ng United Nations Security Council (UNSC) ang ginawang pag-atake ng Israel sa Qatar.

Sa ginawang pulong ng UNSC, nagkaisa ang lahat ng mga 15 miyembro kabilang ang US sa paglalabas ng pagkondina sa ginawa ng Israel.

Sinabi nila na suportado ng grupo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tigil putukan at papel ng Qatar.

Kabilang kasi ang Qatar, Egypt at US na mga mediator para tuluyan ng matigil ang labanan ng Hamas at Israel.

Ilan sa mga kondisyon sa ceasefire deal ay ang pagpapalaya ng mga bihag ganun din ang pagkaalis ng mga sundalo ng Israel sa Gaza.