-- Advertisements --

Umaabot na sa mahigit P7.47 milyon ang nagastos ni Vice President Sara Duterte sa pagbiyahe niya sa ibang bansa.

Ayon kay Office of the Vice President Budget Division chief Kelvin Gerome Tenido, na mula pa noong Hulyo 31 ay aabot na sa P20.68 milyon ang nagastos.

Sa nasabing halaga ay P13.21 milyon dito ay sa ilalim ng local travels habang P7.47-M naman sa ilalim ng biyahe sa ibang bansa.

Ipinagtanggol naman ni OVP assistant chief of staff Lemuel Ortonio ang pagbiyahe ni Duterte kung saan ito ay mayroong sapat na mga dokumento o travel authority at hindi gumamit ng pondo ng gobyerno.

Nakatakdang bumiyahe ang Bise President sa Tokyo at Nagoya sa Japan sa darating na Setyembre 20 at 21.

Ito na ang pang-13 na biyahe ni Duterte sa ibang bansa ngayong taon.