-- Advertisements --

Target ni US boxing champion Terrence Crawford na makaukit ng record sa kasaysayang boxing.

Ito ay dahil sa nalalapit na paghaharap niya kay Mexican boxer Canelo “Saul” Alvarez sa araw ng Linggo oras sa Pilipinas na gaganapin sa Las Vegas.

Hindi itinuturing ng 37-anyos na si Crawford na mas angat na ito kahit na sa US gaganapin ang tinagurian nilang “Fight of the Year”.

Idedepensa kasi ni Alvarez ang kaniyang unified super middleweight belt kay Crawford.

Umangat ng timbang si Crawford mula sa 70 kilogram catchweight para makaharap si Alvarez sa 76 kilogram catchweight.

Mayroong 41 panalo at wala pang talo na may 31 knockouts si Crawford habang si Alvarez naman ay mayroong 63 panalo, dalawang talo, dalawang draw na may 39 knockouts.