Sumiklab ang tensiyon sa ikinasang rally ng ilang progresibong grupo sa labas ng Batasang Pambansa sa Quezon City ngayong Biyernes, Agosto 5.
Ito ay kasabay ng isinasagawang deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa panukalang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon.
Binatikos ng mga protester ang umano’y mga anonmaliya sa flood control projects ng ahensiya.
Sa kuhang video, isinisigaw ng mga protester ang pagpapanagot sa mga sangkot sa posibleng anomaliya.
Sa kasagsagan ng rally, naghagis ang protesters ng iba’t ibang bagay sa south gate ng Batasan habang nakaharang naman ang mga kapulisan ng kanilang anti-riot shields habang pinapairal ang maximum tolerance.
Kabilang sa mga nakiisa sa naturang rally ang mga protester mula sa Kabataan, Alliance of Concerned Teachers, Bayan Muna at iba pang progresibong organisasyon.