-- Advertisements --

Nanawagan ng mas responsableng pag-budget si Finance Secretary Ralph Recto sa mga kinikita at ginagastos ng gobyerno.

Layon nito na matiyak na hindi magkakaroon ng malaking utang ang gobyerno habang tinitiyak na matatag ang pananalapi ng Pilipinas.

Giit ng opisyal, mawawalan ng saysay ang ginagawang effort ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs sa pagkolekta ng mga buwis kung hindi magiging maayos ang pag budget sa pondo ng bansa.

Ginawa ni Sec. Recto ang pahayag sa harap ng mga dating kalihim ng ahensya.

Kadalasan aniya tuwing halalan ay ang mga ibinibigay na pangako na libreng tulong para makakuha ng boto .

Sa kabila nito ay sinabi ng kalihim na hindi ito maisasakatuparan kung walang sapat na pondo.

Umapela rin ito sa lahat ng mga revenue agencies upang matukoy ang kabuuang spending ceilings ng Pilipinas.

Sa ganitong paraan aniya ay mapoprotektahan ang kinabukasan ng bansa at maging ang mga susunod pang henerasyon.