Naghain ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema si Atty. Harold Respicio, upang ipatigil ang kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na suspindihin ang kaniyang proklamasyon bilang bise alkalde ng Reina Mercedes, Isabela2.
Sa kanyang petisyon, iginiit ni Respicio na ang suspensyon ng kaniyang proklamasyon ay arbitrary at walang legal o Constitutional basis.
Sinabi niya na walang pinal na hatol o pre-proclamation controversy na maaaring magbigay-katwiran sa desisyon ng Comelec.
Ang suspensyon ay nag-ugat sa isang kaso ng diskwalipikasyon na isinampa ng Comelec laban kay Respicio dahil sa mga Facebook videos kung saan umano’y sinabi niyang kaya niyang manipulahin ang resulta ng halalan.
Dahil dito, hiniling nito sa Korte Suprema na ideklarang walang bisa ang kautusan ng Comelec at ipag-utos ang kaniyang opisyal na proklamasyon bilang halal na vice mayor.