-- Advertisements --

Umabot na sa halos 900,000 na mga nagparehistrong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa susunod na taon.

Ayon sa Commission on Election (COMELEC) na noong Disyembre 7 ay nagtala sila ng 877,422 na katao sa buong bansa ang nagparehistro.

Ang Calabarzon ang may pinakamalaking bilang na aabot sa 188,239 na botante na sinundan ng National Capital Region at Central Luzon.

Habang ang Cordillera Autonomous Region (CAR) ang may pinakamababang bilang na nagparehistro.

Una ng sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na tataas pa ang bilang ng mga voters registration sa darating pa ng mga panahon.