Posibleng makalabas na ang resolusyon ng Department of Justice (DoJ) ukol sa mga kasong inihain ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga iligal na investment groups.

Partikular na inaantabayanan ng SEC ang pasya ng DoJ ukol sa kaso ng Kabus Padatuon (KAPA), dahil nagkukubli ito sa pagiging relihiyon ngunit sangkot sa pinakamalaking investment scam.

Sinabi sa Bombo Radyo ni SEC Chairman Emilio Benito Aquino na mahalagang maiakyat na ito sa korte, lalo’t may mga sub-group ang KAPA na nagsusulputan na kailangan ding habulin ng batas.

Bukod dito, inaasahan na rin ang resolusyon sa kaso ng Rigen, ADA Farm at marami pang iba.