-- Advertisements --
Patuloy ang paalala ng Bureau of Fire Protection sa lahat ng mamamayan na maging maingat sa paggamit ng electrical appliances lalo na at nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Luzon.
Kasunod ito ng sunog na naganap sa isang residential building sa Penalosa corner Juan Luna, Tondo, Manila ngayong araw.
Batay sa report ng BFP, nagsimula umano ang sunog sa ikatlong palapag ng naturang gusali na umabot sa ikalawang alarma bago tuluyang maapula ang apoy bandang 6:58 ng umaga.
Nagulat na lamang daw ang mga residente dahil malaki na ang sunog nang maggising nila.
Tinatayang aabot ng P300,000 ang danyos ng sunog habang dalawang residente naman ang naitalang sugatan.