Pinasinungalingan ni Sen. Panfilo Lacson ang pahayag ni Sen. Imee Marcos na may kaugnayan sa charter change ang umano’y panibagong pagtatangka para palitan ang liderato sa Senado.
Una kasing sinabi ng presidential sister na nais ng mga nagsusulong ng bagong liderato sa Senado na makabuo ng Constituent Assembly (Con-Ass) para baguhin ang ilang probisyon ng saligang batas.
Kabilang dito ang pagpapalawig sa termino ng pangulo at pagbabago ng minimum age requirement ng isang kakandidato sa pagkapangulo upang mapaburan ang kasalukuyang administrasyon.
Pero ayon kay Lacson, wala itong katotohanan at pawang kasinungalingan lamang.
Sa katunayan aniya, kahit minsan ay hindi pa napag-uusapan o nababanggit sa minority bloc ang tungkol sa con-ass.
Buwelta ng senador sa presidential sister, hayagan at tahasang kasinungalingan ang kaniyang nabanggit.
Sa loob ng halos apat na taong pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mayroon nang apat na senate president na naupo, kabilang sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Chiz Escudero, Vicente Sotto III at ang kasalukuyan na si Alan Peter Cayetano na opisyal na nagsimula noong May 11, 2026.















