-- Advertisements --
Patuloy na inaapula ng Bureu of Fire Protection (BFP) ang sumiklab na malaking sunog sa Parola compound, Binondo, Manila.
Sumiklab ang sunog pasado alas-tres ng hapon ngayong araw ng Sabado, Mayo 23.
Kasalukuyang nakataas ang alarma sa Task Force Charlie.
Nagpasaklolo na ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa Philippine Air Force para sa posibleng tulong na maapula ang malawak na sunog mula sa himpapawid.
Sa ngayon, hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog at patuloy ang imbestigasyon ng BFP kung may casualties at kung ilang bahay ang apektado ng sunog.










