Inanunsyo ng Trump administration nitong weekend ang malaking pagbabago sa immigration policy ng Estados Unidos.
Sa ilalim ng bagong patakaran, ang mga indibidwal na may temporary visas na nais mag-apply ng green card ay kinakailangang bumalik muna sa kanilang sariling bansa upang dumaan sa consular processing.
Dati, pinapayagan ang mga aplikante na magsumite ng adjustment of status habang nasa loob ng U.S., lalo na ang mga asawa ng U.S. citizens at kanilang mga anak. Sa bagong sistema, ang aplikasyon ay dadaan na sa mga embahada o konsulado ng U.S. sa labas ng bansa.
Tinatayang maaapektuhan ang mahigit isang milyong aplikante na kasalukuyang naghihintay ng kanilang green card.
Ayon sa U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS), tanging sa “extraordinary circumstances” o kung may malaking economic benefit sa U.S. papayagan ang adjustment of status sa loob ng bansa.
Mariing tinutulan ng mga immigrant advocates at ilang mambabatas ang hakbang na ito, dahil maaari itong magdulot ng family separation at dagdag na abala sa mga aplikante.
Sa kabuuan, ang bagong polisiya ay naglalayong higpitan ang proseso ng permanent residency at baguhin ang matagal nang sistema ng immigration sa Amerika.
















