Tinawag na kalokohan ng isang law expert ang pahayag ng kampo ni Sen. Ronald dela Rosa na kailangan muna ng warrant of arrest mula sa lokal na korte bago maipatupad ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Atty. Jose Roy III, dating defense lawyer sa impeachment case ni dating Chief Justice Renato Corona, malinaw na nakasaad sa Rome Statute na maaari lamang dalhin sa lokal na hukuman ang kaso kapag naaresto na ang indibiduwal na may ICC warrant.
Giit ni Atty. Roy, dapat magpaaresto muna si Dela Rosa bago ito dumulog sa lokal na korte, alinsunod sa proseso ng ICC.
Ang pahayag ay kasunod ng mga argumento ng kampo ng senador na tila naglalayong ipakita na hindi agad maipatutupad ang warrant ng ICC nang walang pahintulot ng lokal na hukuman.
Hindi naman ito sinang-ayunan ng mga abogado ng mambabatas, dahil iba na ang magiging legal battle kapag hawak na ang isang mamamayang Pilipino at nasa ibang bansa agad na maikukulong, kagaya ni dating Pangulong Rodriogo Duterte.
Para kay Atty. Israelito Torreon, mahalagang magamit muna ng kaniyang kliyente ang lahat ng legal remedy, bago pa man nila harapin ang isyu sa ICC.
















