Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umaabot na sa 21,564 ang bilang ng repatriated overseas Filipino workers (OFWs) ang nag-negatibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) RT-PCR test.
Ang naturang resulta ay ipinapadala rin umano sa email address ng mga OFWs.
Ang mga kasama sa nag-negatibo sa COVID-19 test ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa PCG at Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) para maproseso ang kanilang pag-uwi sa lalawigan.
Samantala, bilang bahagi ng bagong sistema na ipinapatupad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), makakatanggap ng e-mail certification mula sa Philippine Red Cross (PRC) ang repatriated OFWs na sumailalim sa swab sample collection sa airport.
At kapag nakatanggap na sila ng e-mail certification na nagpapatunay na nag-negatibo sila sa COVID-19, kinakailangan nila itong ipagbigay-alam isa PCG o OWWA personnel sa quarantine facility para maberipika.