Nanawagan si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbestigahan ang mahigit 80 flood control contracts sa Davao City mula 2019 hanggang 2022 na nagkakahalaga ng P4.4 bilyon
Ayon sa mambabatas, nakita nila ang ilang posibleng anomalya tulad ng double funding, maling lokasyon ng proyekto, mas maiksing konstruksyon kaysa sa inaprubahang plano, at mga proyektong nananatiling hindi kumpleto kahit matagal nang na-award ang kontrata.
Karamihan sa proyekto ay nasa Davao River at Matina River, at halos lahat ay nasa unang distrito.
Sinabi rin ni Tinio na 34 contractors ang tumanggap ng mga kontrata, kabilang ang CLTG Builders, kompaniya ng ama ni Senator Bong Go, bagama’t hindi ito kabilang sa top 10 na may pinakamaraming proyekto.
Matatandaang dati nang sinabi ni Senator Go na handa siyang kasuhan kahit sariling kamag-anak kung mapatunayang sangkot sa katiwalian.















