Screenshot 2019 07 01 09 25 50
Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte

Tinanggap na umano ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang posisyon bilang House deputy speaker for political affairs sa 18th Congress.

Inanunsyo ito mismo ni presumptive Hpusr speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa isang Facebook post.

Nagpapasalamat din si Cayetano sa presidential son dahil nakapag-usap sila ng personal para talakayin ang mga kinakailangan ng bansa gayundin ang pagkakaroon ng isang “responsive” na Kongreso.

“Together we can all work towards a better Philippines and implement the presidents agenda,” dagdag pa ni Cayetano.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na kapag naupo siya sa pinakamataas na posisyon sa Kamara ay dadagdagan niya ang bilang ng mga deputy speakers para makatulong sa pagsusulong ng legislative agenda ng kapulungan.