Bumuwelta si Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte kay Majority Leader Sandro Marcos matapos na batikusin ukol sa mga “Ghost” projects.
Una kasing sinabi ni Duterte na kaya pinili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III na pumalit kay dating Speaker Martin Romualdez para ma-takpan ang mga bulok na sistema dahil sa pagkakasangkot ng ilang mambabatas mula sa kuwestiyonableng flood control projects.
Itinanggi ito ng batang Marcos at sinabing sa palagiang pagliliban ni Duterte ay hindi ito nabibigyan ng sapat ng impormasyon at inakusahan pa na abala ito sa paghahanap ng P51-bilyon na halaga ng infrastructure projects sa distrito.
Giit ni Duterte na tila bulag ang mambabatas mula sa Ilocos dahil naipaliwanag na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region XI na ang P49.8-B na halaga ng proyekto.
Nanindigan si Duterte na walang ghost project sa kaniyang distrito.
Sa huli ay hinikayat ni Duterte si Rep.Marcos na dapat ay magpa-hair follicle drug test na sila ng amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
















