-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa bansa ang relic ni St. Carlo Acutis.
Ang bahagi ng kaniyang pericardium, na isan membrane na nagpoprotekta sa puso ay darating sa Pilipinas mula Perugia, Italy sa Nobyembre 27.
Ang first-class relic na may habang anim na sentimetro at taas na 2 cm. ay nakalagay sa 33 cm taas at 17 cm lapad na reliquary ng Diocese of Assisi ang nangangalaga sa relics ni Acusi.
Ayon sa Friends of St. Carlo Acutis – Philippines (FSCAPh), ang organizers ng pilgrimage na bibisitahin ng relic ang 29 simbahan at mga paaralan sa Luzon.
Ang nasabing pilgrimage ay sa ilalim ng episcopal guidance ni Bishop Dennis Villarojo ng Malolos.














