-- Advertisements --

Nananatiling nasa “hyperdrive’ ang relasyon ng Pilipinas at US.

Ito ang naging pagtitiyak ni US Secretary of State Antony Blinken kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Isa sa mga tinalakay ng dalawa ang tensiyon na ginagawa ng China na isang banta sa katahimikan sa Indo-Pacific region lalo na sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Blinken na ang alliance ng US at Pilipinas ay malakas kung saan kailangan na mapanatili ito at paigtingin pa.

Sa darating na Abril 11 ay makakaharap ni Pangulong Marcos si US President Joe Biden sa White House bilang bahagi ng US-Japan-Philippines leader’s summit.