Inihahanda na ngayon ng National Bureau of Investigation ang mga reklamong ‘malversation of public funds’ at ‘indirect bribery’ kontra mga opisyal idinawit ni former DPWH Usec. Roberto Bernardo sa Senado.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, lahat ng mga binanggit ni Bernardo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay inirerekumendang makasuhan ng NBI.
Kasunod ito ng panunumpa ni former DPWH Usec. Bernardo sa DOJ ng kanyang salaysay hinggil sa mga nalalaman patungkol sa manomalyang flood control projects.
“Yes, after evaluating everything and the supplemental affidavit that they just drew up with his lawyers, the NBI already recommended,” ani Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Kabilang sa mga nabanggit ni Bernardo ay sina Sen. Chiz Escudero, ex-Sen. Nancy Binay, ex-Sen. Bong Revilla, at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.