Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Nanguna ngayon ang Police Regional Office 12 at itinanghal na No. 1 ang Regional Advisory Council (RAC) sa buong bansa sa pangunguna ni Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi bilang chairperson.

Sinabi ng multi-awarded na alkalde na malaking karangalan para sa kanya ang pagkakahirang ng Advisory Council ng PNP-12 sa buong bansa.

Naungusan pa ng Regional Advisory Council o RAC-12 ang PNP-13 kung saan pumangalawa ito at ikatlo naman ang RAC ng Police Regional Office Cordillera.

Dagdag ng alkalde, indikasyon ito na tagumpay ang kanyang pamumuno batay na rin sa PNP Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding of the Rule of Law o PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.

Binubuo ng mga kilalang lider mula sa local government unit, media, academe, mga government agencies, business, NGOs at youth sectors.

Masaya rin na ibinahagi ng mayor na nangunguna rin ang Cotabato City na may pinaka-epektibong City Anti-Drug Abuse Council sa buong Rehiyon- 12.