Tiniyak ng kasalukuyang alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang kahandaan ng lokal na pamahalaan para sa paparating na bagyong Uwan.
Inalerto mismo ng naturang alkalde ang mga ahensiya ng pamahalaang lungsod upang ito’y maghanda sa inaasahang paghagupit ng malakas na bagyo.
Sa isinagawang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council’s Pre-Disaster Risk Assessment, inatasan ni Mayor Isko ang departamento na seguraduhing nakaantabay ang lahat ng emergency response teams.
Pati evacuation center ay pinatitiyak na rin upang nang sa gayon ay mayroong maayos na matutuluyan mga residente sa anim nitong distrito sakali mang manalasa ang bagyo.
Kung kaya’t ngayong araw ay itinaas na ang ‘red alert status’ para sa inaasahang epektong dulot ng bagyong Uwan sa lungsod at lalo na sa bansa.
Habang kaugnay sa usapin, maalalang nagbahagi ng isang milyon piso ang Manila Local Government donasyon para sa lalawigan ng Cebu at ibang bahagi ng Visayas.
Ito’y buhat naman ng manalasa ang hagupit ng bagyong Tino kamakailan.
Dahil rito’y nanawagan sa publiko si Manila Mayors Isko Moreno magbahagi rin at makiisa pagtulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Tino.
















