Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang antas ng alerto mula sa Blue Alert Status sa Red Alert Status dahil sa banta na dala ng Bagyong Crising sa bansa.
Epektibo ngayong 12:00nn ng tanghali ang pagtataas ng alerto na ito sa buong bansa.
Ayon naman sa Memorandum no. 170 ng NDRRMC, inaatasan nito ang mga nakaduty na opisyal at tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at maging mga tauhan mula sa mga technical staffs ng mga tanggapan ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGSA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), at ilan pang mga katuwang na ahensya na magbigya ng tulong at koordinasyon sa Operations Center para sa agarang pagpapaabot ng assistance sa magiging pagtama ng bagyo.
Samantala, sa ilalim naman ng Red Alert Status inaatasan na ang lahat ng ahensya sa ilalim ng NDRRMC na maging alerto at patuloy na nakaantabay sa mga eekto ng masamang panahaon sa bansa at sa mga komunidad.