-- Advertisements --

Nakataas na ang red alert status sa Armed Force of the Philippines (AFP) bunsod ng mga nagpapatuloy na kilos protesta sa ibat’ibang bahagi ng metro manila kaugnay pa rin sa pagtalakay ng mgha katiwalian at korapsyon sa mga flood control projects.

Sa isang panayam, kinumpirma ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na lahat ng kanilang yunit sa Sandatahang Lakas ay pawang mga naka-red alert status na simula pa lamang nitong Setyembre 12.

Ito ay bilang paghahanda ng kanilang tropa na suportahan ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng seguridad sa mga aktibidad ng mga progresibong grupo sa mga susunod pang araw.

Bagamat ang hakbang na ito ay bahagi rin ng kanilang standard security measures kung sakali man na lumala ang sitwasyon, tiniyak ni Padilla na walang dapat ikabahala ang publiko sa kasalukuyang suitwasyon ngayon ng mga rally.

Paliwanag pa ni Padilla, sa ilalim nito, mayroong sapat na bilang ng mga tauhan ang itatalaga ng AFP bilang standby forces para sa mga hindi inaasahang mga eventualities.

Samantala, tiniyak rin ni Padilla na ang hakbang na ito ng Sandatahang Lakas ay upang masiguro na mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa gitna ng mga protesta na ito.