Muling itinaas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang antas ng alerto sa Red Alert Status ang buong NDRRMC Operations Center matapos na tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa Davao Region.
Batay sa naging memorandum na siyang pirmado ni OCD Deputy Administrator for Operations Asec. Cesar Odio, epektibo na ang estado ng alerto na ito simula pa lamang nitong 12:00nn ng tanghali.
Sa ilalim nito, inaatasan ang mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protetion, mga tauhan mula a Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at maging Department of Health (DOH) na magbigay ng kanilang mga paguulat sa NDDRMOC para sa mas mabilis na koordinasyon ng mga ahensya para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente.
Samantala, maliban sa mga ahensya na ito, hinihimok din ang iba pang mga ahensya at mga lider kabilang na dito ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na makilahok sa mga Virtual Emergency Operations Center para sa monitoring at assessment sa rehiyon.