-- Advertisements --
Pumalo na sa walong indibidwal ang nasawi sa Manay at Davao Oriental bunsod ng pagtama ng dalawang magkasunod na lindol sa rehiyon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lahat ng mga naitalang nasawi bunsod sa lindol ay patuloy na sumasailalim sa beripikasyon at validation.
Mula naman sa bilang na ito tatlo ang kumpirmadong nasawi matapos na matrap sa gumuhong lupa at matamaan ng malalaking tipak ng bato sa loob ng isang mining site sa Pantukan, Davao de Oro.
Samantala, agad naman na narekober ang mga labi ng tatlong mkinero sa ikinasang retrieval operations ng mga otoridad habang na-rescue naman ang iba pang mga kasamahan ng tatlo sa gumuhong mining site.