-- Advertisements --

Arestado ang tatlo sa apat na suspek na sangkot sa pamamaril sa isang college graduate sa Pantukan, Davao de Oro.

Ayon sa pulisya, isa sa mga suspek ang nagtangkang mang-hostage sa sarili niyang anak habang inaaresto, pero agad itong napakalma ng mga awtoridad.

Nahuli rin ang dalawa pa niyang kasama, habang patuloy namang pinaghahanap ang ikaapat na suspek na pinaniniwalaang partner ng biktima.

Naganap ang insidente noong Huwebes ng hapon. Apat na beses binaril ang biktima habang nasa loob ng isang minivan.

Mabuti na lamang at nakaligtas ang biktima at kasalukuyang nasa maganda nang kondisyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. Tinitingnan nila ang posibilidad na personal na alitan o love triangle ang naging dahilan ng pamamaril.