-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon sa naganap na pambubugbog ng dalawang estudyante sa kanilang gurong lalaki sa Maco, Davao de Oro.

Naganap ang insidente sa loob ng Elizalde National High School gym.

Nag-ugat ang insidente ng sitahin ng guro ang estudyante dahil sa pagsusuot ng hikaw.

Nagalit ang estudyante kung saan sinubukang suntukin nito ang guro subalit napigilan siya ng ibang mag-aaral.

Sa pagkakataon na ito ay bigla na lamang sinuntok ng kapatid ng estudyante na nag-aaral din sa eskuwelahan ang guro.

Doon na lamang pinagtulungan ng magkapatid ang guro bago pinatigil ito ng kapwa nilang mag-aaral.

Nagreklamo ang guro sa Phlippine National Police (PNP) habang magkapatid ay dinala na sa lokal na social welfare office.