-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy itong naghahanda ng mga hakbang upang matugunan ang mga suliranin ng mga manggagawa, kabilang ang pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Sa plenary deliberations sa Senado nitong Miyerkules, Nov. 25 para sa panukalang 2027 national budget ng ahensiya, inihayag ni Senator Joel Villanueva, na siyang dumepensa sa panukalang budget ng DOLE na inilunsad na umano ng kagawaran ang online complaint program na maaaring gamitin ng mga manggagawa sa buong bansa upang maiparating ang kanilang mga reklamo.

Para naman sa sektor ng agrikultura, partikular sa industriya ng asukal, inilunsad na rin ng ahensya ang kaukulang programa para matugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang apektado rito.

Kabilang ang mga hakbang na ito sa mga programa ng DOLE upang mapalawak ang access ng mga manggagawa sa tulong ng pamahalaan at matugunan ang kanilang mga hinaing at pangangailangan sa trabaho.