-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na walo na ang kumpirmadong nasawi bunsod ng pagtama ng malalakas na doublet earthquake sa Davao Oriental.

Batay sa datos ng NDRRMC, apat mula a walong nasawi ay natagpuan sa Davao De Oro, tatlo ang mula sa Mati City at Davao Oriental habang isa naman ang naitala sa Davao City.

Maliban dito nakapagtala rin ng kabuuang bilang na 239 na naitala mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon habang nasa 500,000 na mga indibidwal naman o katumbas ng 131,000 na pamilya ang nananatiling apektado sa Davao Region at CARAGA.

Samantala, 2,000 mga tahanan naman ang naitalang nasira sa naging lindol hbang nasa kabuuang P100 milyong piso na ang halaga ng mga danyos sa imprastraktura.

Sa ngayon, patuloy na nagkakasa ng relief operations ang mga otoridad sa rehiyon habang ang ilan ay nagsasagawa ng damage assessments.