-- Advertisements --
Itinanggi ni Finance Secretary Ralph Recto na magkakaroon ng bawas ng taripa sa mga imported na bigas.
Ayon sa kalihim na inaprubahan lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 60-day na pansamantalang pag-import ng mga bigas.
Naniniwala din ito na maaaring mapalawig pa ang nasabing 60-araw.
Layon ng nasabing pagpatigil ng importation ng bigas ay para maging stable ang presyo ng palay at maprotektahan ang mga lokal na magsasaka laban sa mga murang imported na bigas.