Umaabot na sa 95.7 percent ang recovery rate ng PNP mula sa COVID-19 matapos na makarekober mula sa sakit ang 10,389 mula sa 10,870 na tauhan ng PNP na nag-positibo sa virus mula nang magsimula ang pandemya.
Ito ang iniulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.
Kasama sa bilang na ito ang pinakahuling 58 recoveries at 37 bagong kaso ng COVID na iniulat ng PNP Health Service as of 6PM kagabi.
Base sa datos ng ASCOTF, anim sa mga bagong kaso ang mula sa National Support Units at 31 ang mula sa iba’t ibang Police Regional Offices.
Samantala, nananatili sa 31 ang mga tauhan ng PNP na nasawi mula sa COVID-19 o .3 percent ng mga nagpositibo sa virus sa kanilang hanay.