GOOD NEWS FOR SENIOR! Opisyal ng inilunsad ng gobyerno ang digital national senior citizen ID.
Kailangan lamang ng mga senior citizen na makapag-rehistro sa e-GovPH application upang awtomatikong makakuha ng digital national senior citizen ID.
Sa oras na makakuha na ng digital ID, maaari nang magamit ito ng mga senior citizen para makuha ang kanilang mga pribilehiyo tulad ng mga diskwento.
Mapapagaan naman nito ang bulsa ng mga senior citizen dahil hindi na kailangan pang mamasahe o bumiyahe at hindi na rin kailangan pumila para lamang makakuha ng senior citizen ID mula sa ahensiya ng gobyerno dahil awtomatiko na itong ibibigay sa pamamagitan ng naturang application.
Naging posible naman ang digitalisasyon ng senior citizen ID sa pakikipag-partner ng National Commission of Senior Citizens at Department of Information and Communication Technology (DICT) para sa mairolyo ang digital ID.