-- Advertisements --
Itinalaga bilang bagong chaireperson ng National Commission on Senior Citizens si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez .
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ang pagkakatalaga kay Gutierrez.
Bago ang kaniyang pagkakatalaga ay nagsilbi si Gutierrez bilang Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS).
Siya ang unang babaeng namuno sa Ombudsman bago bumaba sa puwesto noong Abril 2011 bago ang pagsisimula ng kaniyang impeachment trial sa Senado dahil sa alegasyon ng mababang conviction rate at pagbalewala sa mga graft case.
Kasama na dito ang kasong graft ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na siyang nagtalaga sa kaniya sa puwesto sa Ombudsman noong 2005.