-- Advertisements --
Nagsagawa ng protesta ang isang grupo ng mga senior citizens sa Cubao, Quezon City noong Sabado ng umaga laban sa katiwalian sa gobyerno, sa ilalim ng kampanyang “Seniors Kontra Kurakot.”
Ayon sa Seniors on the Move, layon ng kanilang kilos-protesta na mapanagot at makulong ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Pinuna rin ni ng grupo ang kawalan ng aksyon ng gobyerno at binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga senior citizens.
Karamihan sa mga kalahok ay retirees, at nasa edad 65 anyos pataas.
Ayon sa mga dumalo ang protesta sa Cubao ay simula lamang, at nakatakda rin silang lumahok sa isang mas malaking anti-corruption rally sa Luneta sa Nobyembre 30.
















