-- Advertisements --

Nagsisimula ng bumuo ang National Economic Development Authority (NEDA) ng rehabilitation plan para sa mga lugar na napinsala ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing, sa kanyang pagkakaalam ay noong isang linggo pa nagsimulang bumalangkas ng recovery plan ang NEDA.

Ayon kay Usec. Densing, batay sa itinatakda ng Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, nasa responsibilidad ng NEDA ang pagtitimon sa rehabilitation and recovery.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na may nakalatag na silang mga hakbangin sakaling umabot pa ng ilang buwan ang krisis sa Batangas.

“Sa Republic Act 10121, iyong response really and recovery is nasa DSWD. So, ang DSWD will take the lead on that. For rehabilitation and recovery, naka-atas po iyan sa NEDA and from what I know, as of last week, NEDA is already crafting a rehabilitation or recovery plan na once this crisis of the Taal Volcano eruptions ceases,” ani Usec. Densing.