-- Advertisements --

Agad na ipinagutos ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagpapahinto sa lahat ng reception ceremonies sa Kahit anumang yunit ng Philippine Army na kanilang karaniwang ginagawa tuwing tatanggap sila ng mga bagong sundalo.

Ito ay kasunod ng naging insidente ng pagkasawi ng isang rookie soldier matapos na mahimatay sa isinagawang reception rites sa Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema Ala, sasailalim sa masususing pagaaral upang magkaroon na ng standard sa pagkakasa ng mga reception ceremonies upang maiwasan na ang mga ganitong klase ng insidente.

Samantala, nauna naman na sito ay ipinaliwanag ni Dema Ala na isang unwritten reception rites ang dinaluhan ni Private. Charlie Patigayon na siyang nagging dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Kasalukuyan namang gumugulong pa rin ang imbestigasyon sa insidente kung saan nananatili na sa kustodiya ng Hukbong Katihan ang higit sa 23 sundalo na hinihinalang sangkot sa insidente.