Handang tapatan ng Toronto Raptors ang pagiging agresibo ng Boston Celtics sa paghaharap nila ng Game 7 do-or-die game Eastern Conference Semifinals.
Bagamat itinuturing na underdog, handang makipagsabayan sina Pascal Siakam at Kyle Lowry sa ipapatupad na depensa ng Celtics.
Ito na kasi ang pang-33rd Game 7 sa franchise history ng Celtics.
Mayroong 23 panalo na at siyam na talo ang Celtics sa Game 7.
Ilan sa mga hindi makakalimutang panalo ng Celtics ay ang Game 7 wins noong 1957 NBA Finals na siyang unang franchise championship ng koponan,ang epic duel nina Larry Bird at Dominique Wilkins noong 1988 East Semifinals at ang panalo ng Celtics sa pamumuno ni Paul Pierce ng talunin si LeBron James ng Cleveland Cavaliers sa Game 7 noong 2008 East Semifinals.