-- Advertisements --

Naghatid ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong “Maymay” na pansamantalang nanunuluyan sa Dacap Sur Evacuation Center sa Bani, Pangasinan.

Ayon sa PRC, 29 pamilyang apektado ang nakatanggap ng mainit na pagkain at mahahalagang gamot mula sa kanilang Health Services team.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata, nagtayo rin ang PRC ng Child-Friendly Space, nagsagawa ng handwashing demonstrations, at namahagi ng mga flyer tungkol sa pag-iwas sa dengue at leptospirosis.

Bukod dito, 33 pamilyang lumikas sa La Paz, Tarlac ang nabigyan ng 97 hot meals, Gardenia bread, 3-in-1 coffee, at bottled water.

Nagkaroon din ng health lectures at IEC distribution para sa lahat ng evacuees, habang ang mga bata at matatanda ay nakatanggap ng over-the-counter medicines at vitamins.

Patuloy namang naglalaan ng komprehensibong humanitarian care ang PRC upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at mapanatili ang kanilang kalusugan at kaligtasan.