-- Advertisements --

Upang matiyak ang kaligtasan at agarang serbisyong medikal ng mga botante, nagpadala ang Philippine Red Cross (PRC) ng 53 personnel, bubuuin ng 14 na staff at 39 na volunteers, kasama ang iba’t ibang kagamitang pangkagipitan sa buong rehiyon ngayong Setyembre 14, 2026, kasabay ng ginagawang BARMM Parliamentary Elections.

Nakatutok ang deployment ng PRC sa apat na pangunahing chapter sa rehiyon:

Basilan Chapter: 18 personnel (4 staff, 14 volunteers) na may dalang 1 Volunteer Emergency Response Vehicle (VERV) at 2 service vehicles.

Cotabato City Chapter: 13 personnel (8 staff, 5 volunteers) na may nakatalagang 1 ambulansya.

Iligan City Chapter: 12 personnel (1 staff, 11 volunteers) na may 1 ambulansya at 1 VERV na nakabase sa Marawi.

Tawi-Tawi Chapter: 10 personnel (1 staff, 9 volunteers).

Sa kabuuan, naglagay ang humanitarian organization ng 2 ambulansya, 2 VERVs, 2 service vehicles, 7 First Aid stations, at 6 welfare stations sa mga kalsada, barangay, at mga paaralan o pamantasan na nagsisilbing botohan.

Naka-standby rin ang mga karagdagang puwersa at ambulansya mula sa mga chapter ng Sulu, North Cotabato, South Cotabato, at Zamboanga City sakaling mangailangan ng mabilis na saklolo.

Binigyang-diin ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon na tungkulin ng organisasyon na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mamamayan sa paggamit ng kanilang karapatang bumoto, habang nanawagan naman si PRC Secretary-General Dr. Gwendolyn Pang ng isang payapa at maayos na halalan sa buong rehiyon.