Reading Time: 1 minute
RaptorsVsWarriors
Toronto Raptors

Walang anumang pagkabahala ang Toronto Raptors matapos na ianunsiyo ng Golden State Warriors na maglalaro na ang kanilang forward na si Kevin Durant sa Game 5 NBA Finals.

Ayon kay Raptors coach Nick Nurse, pinaghandaan na nila ang nasabing paglalaro ng Warriors Most Valuable Player.

Maituturing aniya rin nila na ang nasabing muling pagsabak ni Durant ay isang malaking hamon sa kanilang koponan.

Isang malaking bentahe anila ngayon ay ang pagkakaroon ng homecourt advantage bukod pa sa hawak nila ang 3-1 na kalamangan sa serye.

Nauna rito inanunsiyo ni Warriors coach Steve Kerr ang pagbabalik ni Durant matapos ang ilang linggong hindi paglalaro dahil sa injury.

Walang limitasyon itong ibibigay na oras sa paglalaro ni Durant dahil alam niyang isang malaking banta ito sa Raptors.

Mayroong 26 points, 6.4 rebounds at 5.9 assists kada laro ang average ni Durant.