Pascal Siakam raptors
Raptors Pascal Siakam (photo frm @NBA)

Ngayon pa lamang ay aminado na ang Toronto Raptors na kakaibang Golden State Warriors ang kanilang makakaharap sa Lunes sa Game 2 ng NBA Finals.

Ayon sa Raptors, alam nilang ibang klaseng team ang Warriors na ang mentalidad ay makaagaw ng kahit isang panalo sa kanilang teritoryo.

Sinabi naman ng ilang mga eksperto na bagamat numero uno pa ring sagabal sa paghahangad ng Warriors para sa three-peat championship si Kawhi Leonard, nagpadagdag naman na tinik sa kanilang dadaanan si Pascal Siakam.

Maging si coach Steve Kerr at si Draymond Green na naatasang maggwardiya kay Siakam ay hindi inaasahan ang ipinakitang all around game ng player mula sa bansang Cameroon nitong nakalipas na Game 1.

Bilang sagot, kumpiyansa namang idineklara ni Siakam na maghahanda siya ng husto sa gagawing malaking adjustment sa game plan ng Warriors.

Inaasahan daw niyang tatangkaing idiskarel ng defending champions ang kanyang mga diskarte.