Inumpasahan na ang paglilitis ng kaso ng isang Philippine Air Force (PAF) General sa General Martial Court ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan nahaharap ito sa mga reklamong rape at sexual assualt.
Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, kinumpirma mismo ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na nagpapatuloy na ang mga imbestigasyon at gumugulong na rin maging ang mga trials hinggil sa naturang isyu.
Ito ay kaugnay pa rin sa matatandaang pagsusumite ng dalawang air force personnel ng kanilang mga complaints sa tanggapan ng Office of Ethical Standards and Public Accountability (OESPA) hinggil sa umano’y sexual assault na ginawa sa kanila ng naturang opisyal na siyang naganap sa Batangas.
Kasunod nito ay kumpirmado ring nananatiling naka-house arrest ang heneral sa kaniyang kampo sa Batangas habang umuusad ang paglilitis ng mga reklamo.
Samantala, tiniyak naman ng AFP na handa ring makipagtulungan ang kanilang kampo sa mga civillian court na ka-tandem nila sa paglilitis.
Makikipagugnayan at magbibigay kooperasyon rin aniya ang AFP sa mga kailangan at requirements ng mga civilian courts na siyang kakailanganin para talakayin ang kaso.
Nauna na dito ay tinataya naman ng AFP na maaaring tumagal ng hanggang anim na buwan ang paglilitis ng court martial depende kung gano kalawak at kalaki ang kaso.