-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang opisyal na pagdedeklara ng pagiging Abu Sayyaf Free ng Basilan at tiniyak na patuloy na magbabantay sa kabila ng deklarasyon na ito.

Ani AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kahit pa man naideklara na bilang ASG free ang bahaging ito ng bansa ay hindi titigil ang hnay ng mga militar na bantayan at tutukan ang naturang lugar.

Sa pammagitan aniya nito ay masisiguro na mas magiging tuloy-tuloy na ang paglaganap ng kapayapaan at katahimikan sa lugar.

Kaugnay nito ay inihayag ni Philippine Army Commanding General LtGen. Roy Galido na kahit pa nanumbalik na ang katahimikan sa lugar ay hindi pa rin nila babawasan ang kanilang ga itinalagang mga tauhan sa lugar para sa tuloy-tuloy na development sa lugar.

Samantala, sa kasalukuyan naman ay nakadeploy pa rin ang brigade size na humigit kumulang nasa anim na batalyon para sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa lalawigan.