-- Advertisements --

Umabot sa kabuuang bilang na 15,765 na mga barko ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa karagatan ng Pilipinas simula lamang nitong Mayo 1 hanggang Mayo 31.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, pinakamaraming bilang mula rito ay dahil pa rin sa mga iligal na presesnsiya ng mga Chinese Coast Guard Vessels na binubuo ng 15 CCG vessels at 11 PLA-Navy Ships na siyang namatan sa Bajo de Masinloc.

Mula naman sa bilang, 12,608 dito ay pawang ga foreign ships habang 3,157 naman ang mga lokal na sasakyang pandagat at 1,349 naman ang hindi tumugo sa mga naging radio challenges ng AFP.

Samantala, kabilang rin sa mga lugar na nkapagtala ng mataas na bilang ng mga namataang mga barko na hindi sumagot sa mga isinagawang radio challenges ng militar ay ang Pag-asa Island na nakapagtala ng 665 vessels, Tubbataha reef na mayroong 184 at ang Ayungin shoal na nakapagtala naman ng 125.

Sa kabila naman nito ay patuloy na pinpalakas ng AFP ang kanilang pagprotekta sa maritime domain ng Pilipinas at sinisuguro na napoprotektahan ng kanilang hanay ang seguridad, integridad at soberanya ng bansa.