Nakikita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang malaking tulong para sa depensa ng kanilang hanay sa West Philippine Sea (WPS) ang ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagpapalakas ng ugnayang militar sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang RAA ang magsisislbing legal na batayan para sa pagsasagawa ng military-to-military activities sa pagitan ng Japan at Pilipinas na siyang malaking pagsasanay sa depensa ng bansa.
Layon din nito na magkaroon ng malawak na oportunidad ang mga sundalong pilipino na magkaroon ng malalim na ugnayan at pagsasanay gamit ang ilang makabagong makinarya at teknolohiya mula sa Japan.
Samantala, maliban sa pagpapalakas ng ugnayang militar ay magiging kapaki-pakinabang rin ito a bansa sa pamamagitan ng pagkkaroon ng epektibong pagtugon sa mga hamon ng segurudad sa katubigan ng WPS.