Nananatiling bahagi ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang plano nitong pagbili ng mga F-16 multi-role fighter jets.
Ayon kay Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, nasa tanggapan na ng Department of National Defense (DND) ang kanilang request na makabili ng mga naturang fighter jets para sa kanilang mas modernong pagsasagawa ng mga patrolya sa kalangitan ng bansa.
Paliwanag niya, amg mga fighter jets ay mayroong mas makabagong kapasidad at kapabilidad dahil sa longer range at mas magandang fire power nito.
Bagamat nasa tanggapan na ng DND ang kanilang request ay nananatili naman itong pending at hindi pa inaaprubahan
Samantala, hangga’t wala pang sagot ang DND ay patuloy na gagamitin na muna ng Sandatahang Lakas ang mga kagamitan na mayroon sila sa kasalukuyan para magamit bilang depensa sa kahit anumang posibleng banta sa seguridad ng bansa.