Namataan ng Philippine Navy (PH Navy) ang isa pang Chinese flagged fishing vessel sa silangang bahagi ng Pag-asa Island sa loob ng Kalayaan Group of Island sa West Philippine Sea pasado 3:00pm ng hapon nitong Sabado.
Ayon kay Public Affairs Officer ng Western Naval Command Capt. Ellaine Rose Collado na mismong mga residente at mga mangingisda mula sa bahaging ito ng Pag-asa Island ang nakakita sa sumadsad na barko na siyang kamukha aniya ng mga nakikitang Chinese maritime militia.
Agad namang nagpadala ng kanilang mga tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigan upang makumpirma ang presensiya nito habang inalerto na rin agad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa maaaring assistance na kakailanganin ng mga PCG personnels.
Ayon pa kay Collado, nakalapit sa lokasyon ng vessel ang PCG at nakumpirmang sumadsad ang naturang barko sa mababw na bahagi ng Pag-asa Island na siya namang kusaring nakaalis.
Samantala, kasunod nito ay kinumpirma ni Collado na nakahanda ang AFP na magdispatch ng kanilang mga tauhan para sa maaaring maritime emergency.
Tinitignan naman ngayon ng PH Navy na dahilan sa pagsadsad ng naturang barko ay maaaring dulot pa rin ng masamang panahon.